The Truth About Why Stock Prices Go Up and Down

I don’t have decades of experience in the stock market but I have personally experienced how the stock market moves and this is in the form of “controlled manipulation” in the Philippine Stock Market

PSE is what we would define as “sure money” or let me say you will win here just if you are patient- that is how traders will usually think. But the truth is, it will take you several months and years to understand what is going on. There are a lot of veteran traders who have been trading for 8 years or more and still don’t know their entry and exit. It is not really about the years of experience in the stock market, rather you need the right information- a system, a clear and cut-throat strategy to win.

The logic is this – why take several years to perfect a system when there is a way to hack the system? We don’t have the luxury of time in the stock market, therefore you need a clear set of strategies to win the game. I have come with a list of principles that newbies can use to increase their chances of succeeding in the stock market.

Top Factors Affecting Stock Price movement:

1.News, Company Disclosures and Financial Reports

One of the biggest factors affecting the price of the stock market is the current news about the company. If there is negative information released to the public for a certain company it can affect the standing and image of the stocks.

Kung ikaw ay isa nilang investor, one of your options is to hold or sell portions of your shares.  Dyan na nag uumpisa ang buhusan. If good news, more investors will come and enter the game. There is also news driven stocks it means tuwing may lumabs na news either good or bad that is the only time it will move.

2.Rumours

Bulong or Bulongan session. Ito ang sinasabi ko na pinakamahalagang pinunta ng mga traders tuwing seminars, events at meet-ups. Dito nag chismisan mga trader’s kung anu mga latest na bulong na dinig din nila sa ibang group, brokers or insider before pumutok ang balita or before ng bumbahan. High rish at super big reward toh. Please pumunta kayo, makihalo-bilo sa mga idol nyong traders kapag may seminars o traders gathering. Huwag kayung mahiya. Gusto rin nilang makilala mga followers nila.

3.Hyping

Dito na pumapasok ang mga troll accounts lol. Gumagawa sila ng troll fb accounts para mag post ng mga stocks sa mga pages. Bakit nila ginagawa to? Para ma alagaan totoong identity nila, mahirap kasi na ma sisi, bash ng mga tao ang importante bawal sa batas yan. Take note most stock post are hype meaning naka pwesto na sila sa baba or ready to sell na.

 

Common Ways of Hyping Techniques

A.Fake news

Photo Edited screenshot disclosure, fake websites links and misleading news of information from popular sites. Dito ang pinakamalaking lukuhan o “syndicated strategy” sa stock market. Minsan mga screenshot news o disclosure na edited ang date at ibang details. Pinapalabas nilang latest news at goodnews para mag ka interest mga naka basa na bumili.

Sa observation ko may mga companies na nagpapalabas ng isang fake bad news para mag bentahan mga retailers at doon baba ang presyo. Kapag maka abot na sa presyo na gusto nila doon sila papasok at mag bodega. Kung ikaw isa sa mga top shareholders e bakit ka bibili ng mahal kung pwede ka naman bumili ng mura. Diskarte ng mga hudyo! hehehe

Huwag agad maniwala sa nabasa or na dinig nyo. Bago mag desisyon research and always check edge.pse.com.ph for stock news and disclosure. Maging wais at manigurado!

B.Hyperman

Ito yung trader na panay post ng chart, stocks information na paulit-ulit sa lahat ng stock pages. Hinahanapan ng magandang news or angulo sa chart para pag interisan ng naka basa. Kahit hindi connected na post or news sinisingit mga hawak niyang stock kahit anung mangyari. lol! Parang toothpaste advertisement din to. kapag parati mong nakikita yung colgate na advertisement sa tv at inutusan ka ng nanay mo na bumili ng close-up na toothpaste sa tindidahan pero sinabi mo sa tindira na “pabili ng colgate na close-up” hahaha. Ginagawa yan para hindi mo makalimutan ang producto nila, isang reason bakit paulit2x pinapalabas mga advertisement. Yan ang rule ng isang Hyperman hahaha!

C. Networking

The more loyal Followers You Have, The Better! Ito ngayun ang pinagkakaguluhan at bakit nagaaway mga hudyo ng malalaking stock facebook pages. Example may 500 followers ka at 100 doon loyal at malaki ang tiwala sa iyu. Bubulungan mo at sabihan na bumuli ng stock na to. Anung mangyayari sa presyo? tataas dba? Astig diba?! hahaha

 4. Utos ng Hudyo

Nag tataka kaba minsan sa mga stocks na malaki volume pero hindi lumilipad, or kahit anung bomba nyo binubuhusan kayu? kasi yan utos ng hudyo. Dito magkakaalaman kung sino mas malapit sa kusina. Kung kilala mo ang cook at alam mo niluluto niya para sa mga hudyo, sabihin ko sa iyu “cguradong yayaman ka” Hindi mo na kailangan ng kahit anu man analysis dyan.

Sigurado yan kasi control nyo ang galaw ng presyo. Kung sinabi ng hudyo na huwag munang pataasin ang presyo kasi hindi pa naka tudo bodega at hindi dumating perang pinadala ng lolo, gagawin lahat ng handler at ng jockey na e control ang presyo na huwag tumaas. Kapag naka tudo bodega na sila doon mag hihintay ng tamang tyempo like news or disclosure na lumabas para sabay bomba at lipad. Dapat sumunod sa rules ng PSE ang galaw ng isang stock, kung hindi baka ma sita PSE ng “Unusual Price Movement”.

Buhos

Traders are selling in large volumes. Example UBS may hawak na thousands of shares at binenta halos lahat sa isang bagsakan lang. Yan isang exit signal mo.

Bomba

Traders are buying up. Example ANGPING is buying on current price or higher in large volumes. Entry signal mo naman yan.

Sample ng price action signals na dapat mong bantayan. Makikita mo mga yan sa stock transactions at volume @price ng platform mo kung sino bomubomba or nagbubuhos. Price Action  na uuna bago lumabas ang balita.

Ibang traders nag aasume or alam kung good or bad news and disclosure. Observed mo ibang stock, bago lumabas ang good news ilang percent gain na lipad kasi inuunahan hudyo. Naka gain na sila at doon palang papasok mga naka basa ng disclosure. Mangyayari dyan kunti lang pwd mong ma gain or worst ma ipit ka. nganga!

Tandaan mo bawat stock may sariling jockey at handler. Buntutan mo lang mga galaw nila para malaki chance mong kumita at maging alerto ka.

Jockey

Parang sa karera ng kabayo. Sila yung taga buhos at taga bomba ng stock.

Cook o Handler

“Authorized” mag control sa galaw ng presyo.

Isa sa tinuturo ko sa mga Benepeso Club Members ay kung papano tumingin at mag analyze ng Price Action. Yung ibang indicators hindi pwede e post or publish kasi for club members only at baka tanggalin ng mga online brokers. Yung ibang indicators tinanggal na at hindi na makikita sa platform isang malaking online broker.

I am sharing this with fellow traders and upcoming investors so they can be alert. Hindi maloko at maging aware sa truths that are happening in the Philippine Stock Market.

Wala po akung intention na sirain mga diskarte ng mga hudyo o sabihin kung sino man kayu kasi hindi ko kilala yun. Troll account eh. hahaha.  Alam ko na magkakabuo naman kayu ng bagong diskarte kasi hudyo kayu! Olryt! \m/ \m/

Trade at your own risk! kayu po pumipindot ng buy and sell button, hindi kame. 🙂

 Welcome to the Philippine Stock Market!!!

Hype, stock manipulation, insider trading day mga example na pinagbabawal ng batas. Kung sino man lumabag nito may kaukulang parusa.

http://www.lawphil.net/statutes/repacts/ra2000/ra_8799_2000.html

About the Author:

Gerry Lorca is the Founder and CEO of Benepeso Club. Watch out for his upcoming book and more sensible advice about stock trading and other spiritual advice about growing in abundance.
Follow him on Facebook and learn more!
https://www.facebook.com/gerryOlorca

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Leave a Reply

avatar
  Subscribe  
Notify of